Cornucopia of Thoughts
Lately, my mind’s been toying with a lot of things, a lot of possibilities; some lingering, others fleeting. I don’t know anything else to do with them but to jot them down and hopefully act on things that matter the most and are more urgent. Here are some of those that I entertained (well, I will be censoring some, for fear of exposing myself too much..)
- Naka-book na daw si Papi ng March 25. I wonder what time his flight is, kc kung 12 nn ang flight nya, then 18 hours daw ung flight, de dadating sha dito 6pm, plus 5hrs kc Qatar time yun, so 11pm ang dating nya, 1hr na lang bday na ni Darren.
- Ano kaya iniisip ng mga taong hindi ko nirereplyan agad? Iniisip kya nila I’m too busy, I don’t care, I’m ignoring them…sana maisip nila tulog ako, haha, tas nabasa ko ung text nila nung naalimpungatan ako, tas nakatulog ako ulet, then forgot all about it when I really woke up.
- Kelangan ko na magbayad ng rent, Feb 2 na. End of the month dapat yun. Tangina naman kc yung mga kahati ko, leche. Alam naman nang wala silang pera hindi pa naghagilap bago magkatapusan. Asa nanaman sila na aabunohan ko yun! Kumuha na lang sana ako ng sarili kong unit.
- Kung kukuha ako ng sarili kong unit, dapat 3 bedroom, kc maliliit ang sala/dining rm (imposible yata magkaron ng pareho sa size ng unit dito..). kc isa para sa men ni papi, isa para sa kids, at shempre, para sa yaya, haha. alangan sa sala ko patulugin un..or tabi sila ni dar, ang weirdo nun.. At oo, ang mahal nun. P7500 2-bedrm pa lang yun, may monty dues pa..
- Gusto ko mag-open ng foodcart. pero ndi ko alam kung san ko ilalagay. yung mga lecheng kelangan ko makausap ang hirap timing-an. O baka nagdadahilan lang. ampotah.
- Ang hirap talaga ng umaasa sa iba. bwiset.
- Naniniwala ka ba na may mangyayaring action pag ang sagot sa yo ng inutusan mo eh, “Mamaya. or maya-maya”? For example, Tapon mo na ung basura, punong-puno na. Mamaya. Anong oras mo ba kakausapin mommy mo, kala ko ba hihiram ka pera? Maya-maya. Nakakagigil. Parang gusto ko manulak para lang masabing “kumilos” sila.
- Naiwan kong nakasaksak yung laptop. At naka-standby lang sha. Shet. At walang uuwi ngayon sa bahay..goodluck.
- Ano nanaman idadahilan ko sa Feb 9. Itutuloy ko na kaya yun or tyatyagain ko na kasi kelangan? Kc walang pera ang mga tao pambayad ng rent. Leche. Kelangan ako lagi gagawa.
- Pano na kaya yung bahay pag umuwi si Papi, shempre wala na ko dun para asikasuhin ang mga bills at magligpit. Mga lecheng un. Maiilit kme ng hindi oras, puro gamit ko panaman andun. Baka hindi na lang kme bigla papasukin.
- Gusto ko manabunot.
- Bakit ang mga lalaki walang ibang gusto kundi sex?! Sex pag masaya, sex pag malungkot. Sex pag bagong gising, sex bago matulog. Sex pag magkaaway, sex pag magkasundo. Sex pag pagod. Sex pag gutom, sex pag busog..Sex pag walang pera, sex pag bagong sweldo. Kahit inaaway na sila ng GF nila, ampotah sex pa din pala iniisip. Minsan talaga yung utak nalalaglag eh..nakakabwiset lang
- Diba sex lang naman yun pag may partner ka? And tv doesn’t count as a partner. Haha.
- Pumunta si Jenna sa bahay nung isang arw. nakita ang washing machine, nasa sala, kalinya ng TV at bookshelf. Ibenta ko na lang daw dahil hindi ko naman ginagamit. Sabi ko, ayoko dahil may sentimental value un sa ken. It’s actually one of the first items i got when i moved out of my mom’s house nung 25 ako. Yung fridge and dining table, i sold it na out of need for money and space. Yung ibang gamit ko, hiniram, arbor na pala, dahil masisira nila..gaya nung isang side table and electric fan ko. Ay nako.
Yeah, I know, most of it are actually rantings. Sana mabasa nga ng mga concerned! Hahaha..yeah right. As if may pakelam sila. whatever.